To my fellow pinoys
How sad na marami pa ring pinoy ang nagbubulag- bulagan sa katotohanan, nagsasawa na sa mga pangaral at sermong pang moral at spiritual? Eh anong ginagawa mo? Kung tunay ka ngang Kristiano o Filipinong makabayan, ano sa iyo ang kasalanan mo at ang kapwa mo? Sa mga di nakakaunawa at nabubuhay sa takbo ng sanlibutan, lakas ng iba na mangutya o manghusga ng kapwa nila na nagsasabi at gumagawa ng tama, dahil guilty kayong mga gumagawa ng kasalanan at kasamaan! Oi kaibigan masdan mo ang mga tao sa bayan natin ang corrupt sa gobyerno at sistema ng batas, tignan mo maraming naghihirap imbis dinadahan pa ng iba sa alak, sugal, babae. Kristiano ba tong mga to? I doubt so! Mga tunay bang makabayan to at nagmamahal sa kapwa? I doubt so!, di ko tinatanong kung Katoliko ka, o protestante o muslim, ang pinag uusapan dito buhay na dapat pahalagaan at mga gawang mali na dapat itama, may tumama ba? Kung matanda ka man o matured sa tingin mo ano ang mga pinangaral mo sa mga kabataan para tularan ka? May nagbago ba sa kanila? Anong magiging buhay nila? Bilang isang tunay na Kristiano (naligtas sa biyaya ng Diyos sa dugo ni Kristo Hesus), sa mga nabuhay na marangal nakikita ba natin ang katotohanan na ang sistema ng mundo na masama na siyang sumisira ng buhay at kinabukasan ng kabataan, (mga naadik sa mga masasamang bisyo, sa mga pantasya sa T.V. at sa mga nag asawa ng bata), sa mundo may tama at may mali hindi lahat ng sa tingin mo masaya at mabuti para sa sarili mo eh tama, may mga mahihirap, api dahil may mga taong masasama sa mundo na nagpapahirap at nang- aapi.
Ilang buhay pang wawasakin ng kasalanan? Ilang pang di ligtas ang sasa Impyerno, “PRACTICE WHAT YOU PREACH!, di ka pinanganak para maniwala sa gusto mong paniwalaan pero maniwala sa dapat mong paniwalaan na sinabi sa iyo, may pumilit ba sa iyo? Eh ikaw na ang kusang tumangi nito kaya hanggang ngayon bulag ka pa rin sa katotohanan, nilikha ka ng Diyos ayon sa kanyang kalooban para sa ikabubuti mo at para magkaroon ka ng tamang landas na tatahakin, mga pangarap na dapat matupad at kaligtasan sa langit na uuwian ito ang kasiguraduhan ng iyong kaluluwa na paniniwalang di ka mawawalan, tulad ng mga bayani nagsakripisyo sila hindi para sa sarili nila kundi para sa Diyos at sa Bayan, wala sa mahirap o mayaman yan malakas ka man o mahina, nasa iyo ang desisyon at ang kapalaran na nakatakda sa kasaysayan, ikaw ang siyang magpapasya at gagawa kung anong gagawin mo, lahat ng nangyayari sa mundo na digmaan, kalamidad at mga karamdamang di malunasan hindi dahil sa natural na pangyayari kundi dahil sa takbo ng buhay ng tao na siyang nakakapagpasama sa sarili at sa mundo, athiesta ka man satanista o kulto, may takot ka na mapahamak dahil di natin hawak ang buhay di ka mawawalan kung maniniwala ka kesa mabuhay sa kawalan sa mundo na punung puno ng kasinungalingan at pagkukunwari.
Philippines reform better...
Message by: Baptist Church.
I am sick of this kind of perception. Napakaraming pwedeng mangyari sa buhay ng tao, at mga relihiyosong tulad mo ay nagkukundina sa mga tulad naming umiinom ng alak, nalulong sa bisyo, nagpapantasya sa TV, nag-aasawa ng maaga. Bakit loneman21, si Mr. perfect kaba at may gana kang manghusga. Sinabi mong ang buhay na ganito ay winasak ng kasalanan, alam mo ba ng pwedeng hubugin ang buhay ng tao sa pamamagitan ng kasalanang kanyang nagawa. Magbasa ka naman ng bibliya mo. Your a sick person loneman21, lawakan mo ang isipan mo. Wag kang magpa-tali dyan sa relihiyon mo. Bakit wala kang nakikitang maganda sa bansa natin? Ganun naba kakitid at baluktot ang pananaw mo sa buhay? Umpisahan mo na sa sarili mo, magbawas ka na ng negatibong pananaw sa kapwa mo, magsisi ka na loneman21. Kung wala ka naman lang magandang masabi, tumahimik ka kana lang.
Message by: Hindi Baptist Church
please visit http://pinoycivilengineer.com for latest engineering-related news and updates! salamat!
(“As we remember the Philippine Independence [June 12, 1898] the sacrifices of our heroes and with the help of the American people; we gain our freedom and established our country with our faith in God and with action of Filipino people, to gain our right and democracy that we enjoy.”)
Hindi dapat inuuna ng mga opisyal o pulitiko ang pagpapasikat sa mga tao o paghahanap ng anumang papuri, pag- abuso sa kapangyarihan sa pamamahala at sa kasakiman sa kayamanan.
Nakikitang mas kailangan ng bayan ang serbisyo ng uupo sa pwesto sa mga kandidatong ating napili, maraming dapat asikasuhin, imbis na pansariling kapakanan, It’s not too late for Change! Yes.
Kung lahat tayo ay nagkakaisa para sa mabuti tayo ay uunlad at kung may pag- ibig tayo sa ating kapwa tayo ay may malasakit sa kanila, ang respeto sa bawat isa para sa payapang bansa.
May pananalig sa Maykapal at pagkilos na malagpasan natin ang bawat pagsubok at mga problema n gating bansa na turuan ang bawat kabataan at nakatatanda ng magandang halimbawa at itama ang kanilang landas.
Piliin natin ang tapat na mga pinunong may takot sa Diyos, malinis ang pagkatao, at maganda ang layunin para sa bayan na hindi natin pagsisihan sa huli tulad ng mga nakaraang panahon.
Mga minamahal na kapatid at kaibigan, sama- sama nating labanan ang kahirapan, ang korupsyon, ang sugal, prostitusyon, droga, terrorismo at illegal na mga gawain malaki man o maliit.
Ito ang mga pangunahing sanhi ng ating pagdurusa noon at hanggang ngayon. Hanggang kalian tayo magbubulag- bulagan? Hanggang kalian tayo magbibingi- bingihan? Kalian tayo kikilos pag tapos na ang lahat?
Gampanan nawa natin an gating mga tungkulin sa Diyos at para sa Bayan, na walang halong personal o pansariling interest, paglilingkod na maging puro at totoong serbisyo para sa lahat mayaman man o mahirap.
BAWAT ISA AY MAY PANANAGUTAN, TAYO AY MAMAMAYAN NG PILIPINAS. Mga pinoy o ofw, mga katoliko, protestante, muslim etc. nawa ay mawala na ang diskriminasyon at dibisyong hindi naman mabuti ang epekto sa atin at ang crab mentality kundi tulungan nating magtagumpay an gating kapwa sa matuwid.
“Tayo ay tumayo sa KATOTOHANAN at ipaglaban ang KARAPATAN… ng mga kapus- palad, kababaihan, mga street children, katutubo, mga senior citizen, ang mga may kapansanan at mga preso...”
-Tayo na sa BAGONG PINOY- BAGONG PILIPINAS 2010, ang kinabukasan ay nasa ating mga pasya, salita at mga aksyon.
Ito ay isang pagtawag at hamon sa lahat ng mga filipinong nagmamahal sa Diyos at sa Bayan.
(Please pray for Philippine Progression 2010, Liberation of North Korea and Iran, the Haiti recovery and all the world issue.)
Mission/Vision/Goal:
I. To serve God and People.
II. To fight for the truth and stand for the right.
III. Preach the Gospel (Evangelism in the Philippines).
IV. To fight poverty and corruption.
V. Equality and justice.
VI. Stop immorality and evil act.
VII. General Change! (Both Social and Political)
Thank you and God bless…
JESUS SAVES!
(Angeles City, Pampanga.)
